Pinsala ng tsunami at lindol
(base sa impormasyon noong Jan 24, 2012)


Ang Malaking Lindol sa Silangang Japan ay naganap noong 2:46 ng hapon ng ikalabing-isa ng Marso 2011. Ang sentro nito ay sa baybaying Sanriku sa Tohoku, na may lalim na 24 kilometro at lakas na 9.0. Dahil sa lindol na ito, nagkaroon din ng tsunami na siyang nagdulot ng matinding pinsala sa rehiyon ng Tohoku, at sa bansang Hapon sa pangkalahatan. Makikita sa ibaba ang kabuuan ng mga danyos na nadama at karampatang tulong na natanggap ng mga apektadong lugar mula sa iba't ibang panig ng mundo simula noon.

<Pinsala>
(1)Tao
Bilang ng mga namatay: 15,845
Bilang ng mga nawawala: 3,375
Bilang ng mga nasaktan: 5,894
(2) Mga gusali
Bilang ng mga lubos na nawasak: 128,479
Bilang ng mga matinding nawasak : 242,513
Bilang ng mga bahagyang nawasak :670, 522

<Tulong sa mga biktima>
(1)Para sa mga nawalan ng tirahan
Bilang ng mga nawalan ng tirahan sa buong bansa: 337,819
※Kasama rito ang mga mamamayang nakikitira na sa mga bahay ng kanilang mga kamag-anak o kakilala, o lumipat sa mga pampublikong tirahan o mga pansamantalang kanlungan.
(2) Mga pansamantalang bahay
Bilang ng mga pansamantalang bahay na pinapatayo: 52,620 (kung saan 52,182 na ang natapos)
Bilang ng mga bahay na may kapasidad magpatira ng karagdagang tao: Dormitoryo ng mga naglilingkod sa bayan, at mga pampublikong tirahan: 62,969 (kung saan 18,070 na ang mga naihandog)
(3) Kalagayan ng mga nailigtas
Bilang ng mga taong nailigtas: 27,157

<Natanggap na Suporta Mula sa Ibang Bansa>
・ 163 bansa at rehiyon at 43 ahensya ang nagpahayag ng suporta (pagpapadala ng “relief goods,” tulong, at donasyon)

・ Pagtanggap ng mga rescue team at grupo ng eksperto: 29 bansa/rehiyon ang nagpadala ng mga rescue team at eksperto. Isa sa mga grupong ito ang kasalukuyang nagsasagawa ng operasyon.
・ Ang “relief goods” mula sa 63 bansa/organisasyon/rehiyon ay tinanggap ng pamunuan ng Hapon. Ang mga donasyon mula sa 93 countries/organisasyon/rehiyon ay tinanggap din ng pamunuan ng Hapon (mahigit sa 17.5 bilyong yen).

・ Kumpirmadong kaligtasan ng mga Diplomatiko at empleyado sa mga internasyonal na organisasyon. Ang konsulado ng Timog Korea sa lungsod ng Sendai (ang natatanging banyagang konsulado/embahada sa 4 na prefecture sa rehiyon ng Tohoku) ay kinumpirma ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado.
・ Kumpirmadong kaligtasan ng mga sinasanay sa pamamahala ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at mga dayuhang nananatili sa bansang Hapon sa ilalim ng programa ng Japan Foundation
・ Ang impormasyon tungkol sa mga dayuhang nasa rehiyon ng Tohoku ay nililikom sa tulong ng mga embahada sa Tokyo at mga ahensya ng turismo.
・ Isang website tungkol sa lindol ang ginawa sa website ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas sa wikang Ingles at Hapon. Mula ika-15 ng Marso, nagsimula itong maglathala sa wikang Instik at Koreano.
・ Anim na empleyado ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (mga bihasa sa wikang Instik) ang ipinadala sa prefecture ng Iwate at Miyagi upang bigyang-tuon ang mga dayuhan.
・  Kinalap ang mga pakiusap sa pagkumpirma ng kaligtasan ng mga dayuhan mula sa mga banyagang embahada sa Tokyo at sa Pambansang Ahensya ng Pulis. Ang pagtatagubilin ay ginanap para sa mga dayuhang embahada sa Tokyo mula ika-5 ng hapon ng ika-22 ng Marso para sa proseso ng pagtiyak ng kaligtasan.

(Reference: Reconstruction Headquarters in response to Great East Japan Earthquake)