About us

Ang organisasyong ito ay halaw sa mga mag-aaral at alumni ng Tokyo University of Foreign Studies. Layon naming ipaalam sa buong mundo ang tumatakbo sa mga isipan ng mga taga-Tohoku. Sa pamamagitan ng mga litrato, makikita po ninyo ang pangarap nilang pagbabago sa kanilang lalawigan. Nawa'y maalala ninyo ang sinapit ng Tohoku para tuluy-tuloy ang tulong na makamit ng mga nangangailangan nito.

Ngayon, sinisikap po nilang maibalik ang kanilang pang-araw-araw na buhay bago ang sakuna. Dahil sa kanilang pagsisikap, bumuti na ang kanilang kalagayan kaysa sa noong kakaroon lang ng lindol. Ngunit kahit isang taon na ang nakararaan, kailangan pa rin po nila ng tulong. Unti-unti nang nawawala sa isipan ng mga tao ang nangyari sa kanila. Naiisip po naming hindi lang dapat kami ang makinig sa mga sinasabi nila, na hindi lang dapat kami patuloy na naghihintay.

Dahil dito, napili po namin bilang layunin ang “Ipadala ang puso ng mga taga-Tohoku sa lahat ng mga panig ng daigdig. Upang mapatupad ito, gumawa po kami ng website, “ Tohoku 10 ×26 Windows.” Bukod dito, may photo exhibit pang magaganap sa ika-11 ng Marso nitong taong 2012, ang “Tohoku Revival Exhibition,” sa Paris, France.

Kailangan pa po namin ng mga donasyon at taong makatutulong, kasabay ng karagdagang suporta, para sa mga nasalanta noong nakaraang taon. Sana po ay maalala ninyo ang sinapit, at sinasapit pa rin, ng Tohoku, at nawa'y magpatuloy ang inyong pagmamahal para sa lugar dahil sa proyektong ito.

Ano ang Tohoku 10 × Windows?

“Tohoku 10x26 Windows” ang pangalan ng proyektong itong naglalayong magsalin ng mga nangyayari, at ginagawa ng 10 napiling mga grupo na sumusuporta, sa Tohoku. Ang mga grupong ito ay magbibigay rin ng mga larawang ipakikita sa photo exhibit sa France.
Layon dito, isasalin po namin ang kanilang mga proyekto para sa Tohoku sa 26 na mga wikang inaaral sa Tokyo University of Foreign Studies.
Inaasinta namin ang mahigit sa 10, 000 na bumibisita sa website namin sa gawaing ito upang maipaalam ang kalagayan ng Tohoku ngayon sa buong mundo.

Tohoku reconstruction Photo exhibition

Sa ika-11 ng Marso nitong taon, may charity event na gaganapin para sa Tohoku Earthquake and Tsunami sa UNESCO head office sa Paris, France. Binubuo ito ng dalawang programa, isang memorial concert, at isang photo exhibit tungkol sa Tohoku Revival – ang huli ay pamamahalaan ng aming grupo.
Sa exhibit na ito, hindi lamang kami magpapakita ng mga larawan; bagkus, isasama rin dito ang mga makukuha naming mga mensahe galing sa mga bumibisita sa Tohoku – na tunay na magkakabit ng mga puso nila sa mga naapektuhan.